Ako ay nariwara sa pagkakasala Hanggang sa pinanawan ako ng pag-asa, Datapwa't ang hibik ng aking kaluluwa'y Dininig ng diyos at ako'y ligtas na!
REFRAIN
Ang pag-ibig! Ang pag-ibig! Ang nagligtas sa 'kin ay pag-ibig Ay pag-ibig!
Ang puso ko at diwa'y aking inya-alay Sa paanan ni Jesus habang ako'y buhay; Aawit-awitin ko ang Kanyang pangalan At ang pag-ibig Niyang walang hanggan.
Oh kaluluwang waglit at mapapahamak Kay Kristo ka lumapit nang ikaw'y maligtas; Ang ating Panginoo'y walang laging hangad Kundi ang malayo ka sa bagabag.